
Nagsumbong sa pulisya ang isang 17-anyos na ina matapos umanong tangayin ng isang babae ang kaniyang pitong-buwang-gulang na sanggol sa Surigao City nitong Miyerkoles. Ang biktima, nahikayat daw na sumama sa suspek na nagpakilalang vlogger at napili siyang tulungan para ilibre sa pamimili sa mall.




