
Sa kabila ng bansag sa kanila bilang “man’s best friend,” may mga aso pa rin na nakararanas ng pagmamalupit ng ilang tao. Kahit pa paulit-ulit ang paalala ng mga awtoridad tungkol sa batas na nagpapataw ng parusa sa sino mang mapapatunayang nanakit, nang-abuso at pumatay sa mga aso.




